30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Miss Universe Catriona Gray mainit na sinalubong sa Indonesia

- Advertisement -

Mainit na sinalubong sa Indonesia si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Ang pagsalubong kay Catriona ay pinangunahan ng roommate niyan noon sa Miss Universe pageant na si Miss Indonesia Sonia Fergina.

Nagbalik sa Indonesia ang 25 year old Fil-Australian beauty para makisaya sa grand coronation night ng 2019 Puteri, Indonesia sa March 8.

Sinasabing ikinukumpara sa Binibining Pilipinas ang nasabing national pageant ng Indonesia kung saan inaasahan ang pagkikita-kita ng mga dati at kasalukuyang beauty queens.

Inaasahang makikiisa rin sa naturang coronation night sina Miss International Venezuela, Miss Supranational ng Puerto Rico at 2017 Miss Supranational ng Korea.

Magugunitang Indonesia ang unang international trip ni Gray bilang Miss Universe kung saan siya sumabak sa commercial shoot ng vitamins.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -