32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Misis pinukpok ng martilyo ni Mister, ngunit Mister nagpakamatay!

- Advertisement -

Nasa ospital ngayon ang isang misis matapos pinukpok ng mister kahapon alas dose imponto ng tanghali sa Prk. Magsaysay, Brgy. Labangal General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Maricel Eliver nasa tamang edad, habang kinilala naman ang suspek na asawa nito na si Joel Eliver 51 na taong gulang at residente sa nabanggit na lugar.

Batay sa initial na imbestigasyon ng Makar Police Station, pinukpok umano ni Joel ang misis sa mukha at kamay dahil sa matinding selos, ngunit nakatakbo umano si Maricel at nakahingi ng tulong sa kapit bahay at agad dinala sa ospital sa lungsod.

Samantala, nagtago umano si mister sa kwarto ng kanilang tahanan dahil sa takot at pagsisisi na nagawa sa kanyang asawa, habang sa pagresponde ng awtoridad at ng aarestuhin na si Joel ay natagpuan na itong wala ng buhay sa loob ng kanilang tahanan. Nakita sa lugar ang isang martilyo na may marka ng dugo, kutsilyo at lubid na posibleng ginamit ni Joel sa pagbigti. Sa ngayon nasa isang local funeral ang bangkay ni Mister habang nagpapagaling na sa natamong sugat sa isang private hospital ang misis.

Napag-alaman na humingi ng barangay protection order ang misis dahil sa palaging pananakit ng asawa nito sa kanya dahil na rin sa sobrang selos.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -