28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

MILF Chair bumisita sa Camp Aguinaldo sa kauna-unahang pagkakataon

- Advertisement -

Maituturing na makasaysayan ang pagbisita ni Chairman Al Haj Murad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Camp Aguinaldo.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umapak sa punong tanggapan ng militar ang pinuno ng MILF na matagal ring nagrebelde sa pamahaalan.

Ayon kay Brigadier General Edgard Arevalo, Spokesman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang pagbisita ni Murad sa Camp Aguinaldo ay simbolo ng tuluyang pagtatapos ng ilang dekada ring labanan sa pagitan ng mga sundalo at MILF.

Pagpapakita aniya ito ng sinseridad at tiwalang nabuo sa pagitan ng militar at MILF mula nang magkaroon ng peace agreement.

(Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -