Mike Defensor itinangging may napili nang suportahan na house speaker ang PCFI

Mike Defensor itinangging may napili nang suportahan na house speaker ang PCFI

by Powered by DWIZ
0 comment 86 views

Itinanggi ni Anak Kalusugan Party List Representative Mike Defensor na may napili nang susuportahang house speaker ang PCFI o Party list Coalition Foundation Incorporated.

Kasunod na rin ito nang pagkakamali umano ni PCFI President at 1 Pacman Representative Mikee Romero nang pinadalhang viber group para i anunsyong si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco ang iboboto ng grupo bilang speaker of the House.

Ayon kay Defensor, nasa proseso pa ng pagde desisyon ang grupo kayat dapat manatiling neutral muna si Romero kung nais nitong maging solid ang bloc voting ng PCFI.

Hindi naman nag aalala si Defensor sa naging mensahe ni Romero sa viber group dahil mayroon naman kaniya kaniyang pang unawa ang mga miyembro at nagpapatuloy pa ang deliberasyon.

Sa Miyerkules ay muling magpupulong ang PCFI members sa Quezon City para ipagpatuloy ang selection process hinggil sa susuportahan sa speakership.

0 comment

Related Posts