MGB 12, Patuloy Ang Pagtala Ng Mga Geohazards

MGB 12, Patuloy Ang Pagtala Ng Mga Geohazards

by RPN
102 views

Dumarami ang naitatalang geohazards ng Mines and Geosciences Bureau Region 12 Sa buong SOCSKSARGEN Region.

Sa panayam ng RPN at kay Ariel Austin A. Acosta, ang Supervising Geologist ng Geohazard and Engineering Section ng MGB 12, dumarami ang naitatalang geohazards Sa rehiyon dahil Sa updating ng geohazards locations Sa tulong ng mga RISC Reduction Offices.

Aminado si Acosta na nahihirapan silang mag imbestiga dahil Sa dami ng mga idinudulog Sa kanilang ng mga DRRM ngunit unti-unti umanong natututo ang bawat is a kahit na do gaanong malalim ang nag-aaral na naisasagawa dahil Sa limitadong resources panahon at tauhan.

Maliban Sa mga na-locate na geohazards malapit Sa mga ilog, banging at tabing-dagat, potential hazards din ayon Kay Acosta ang mga kumunidad na malalayo at walang maayos na saan.

Dumarami din ang mga kumpermadong since holes kung saan gumuguho ang lupa na ginagawa ng malalalim na butas.

Epekto umano ang mga since holes ng pagalaw ng lupa tuwing lindol kung saan posibleng nagkaroon ng espasyo Sa ilalim at bumigay; o kaya naman Sa pagkatunaw ng lime stones dahil Sa acidity ng dagat o ulan na is a pang dahilan ng pagkakaroon ng espasyo ng lupa at posibleng bumigay kalaunan.

0 comment

Related Posts