Alkalde ng Koronadal City, Kampante sa seguridad sa Rehiyon XII
October 3, 2018
Election period para sa 2019 elections itinakda na ng Comelec
October 3, 2018
Show all

Mga unibersidad sa M. Manila kung saan nagre-recruit ang CPP-NPA tinukoy ng AFP

Mayroong ilang unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila ang inoorganisa di umano ng komunistang grupo na sumali at makiisa sa ikinakasang “Red October” plot na naglalayong mapatalsik sa puwesto si Pangulong Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Armed Forces of the Phillipines o AFP Chief of Staff Carlito Galvez sa naganap na Senate budget hearing kamakailan.

Sa katunayan nitong hapon lamang ay tinukoy ng AFP ang mga unibersidad at kolehiyo kung saan umano nagre-recruit ang CPP-NPA.

Ito ay ang mga sumusunod:

  • UP Diliman
  • UP Manila
  • PUP Sta. Mesa
  • Ateneo de Manila University
  • De La Salle University
  • UST
  • Adamson
  • FEU
  • UE Recto
  • UE Caloocan
  • Adamson
  • Emilio Aguinaldo College
  • Earist-Eulogio Amang Rodriguez
  • San Beda
  • Lyceum
  • University of Makati
  • Caloocan City College
  • University of Manila
  • Philippine Normal University

Matatandaan na tinawag ng Communist Party of the Philippines (CPP) na kathang isip lamang ng militar at pamahalaan ang umano’y “Red October”.

Sa ipinalabas na pahayag ng CPP, kanilang mariing na kinondena ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa anila’y pagiimbento ng sitwasyon na may malinaw na layuning magpatupad ng mararahas na aksyon laban sa taumbayan

Comments are closed.