Mga tripulanteng nakipag usap kay DOE Sec. Cusi dismayado

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga tripulanteng nakipag usap kay DOE Sec. Cusi dismayado

Dismayado ang mga mangingisdang nabiktima sa Recto Bank sa kanilang naging pakikipag usap kay Energy Secretary Alfonso Cusi.

Binisita ni Cusi ang mga mangingisda sa Occidental Mindoro kasunod ng pagdating ng mga ito matapos na ma rescue ng mga Vietnamese sa West Philippine Sea.

Si Cusi bilang cabinet officer responsible for security ng MIMAROPA region kasama ang ilan pang lokal na opisyal ang nakapag dialogo sa mga mangingisda.

Dito di umano ay sinabi ni Cusi na hindi intensyonal ang ginawang pagbangga ng mga Tsino sa bangka ng mga Pilipino.

Ayon kay Cusi, hindi talaga intensyon ng Chinese vessel na manira at saktan ang mga Pilipino dahil kung ito ang target ay sana ay sinapol sila nito at hindi daplis lamang ang ginawang patama sa kanilang bangka.

Ayon kay Junel Insigne, kapitan ng f/b GEM – VER 1, masakit na marinig na tila dinidepensahan pa ng opisyal ang China.

Katwiran ng ilan sa kanyang tripulante, mahirap sabihin na hindi intensyonal lalo’t napakalapad ng dagat para sabihin na hindi sinadya ang nangyari.

Related Posts