Mga TNVs drivers na naapektuhan ng deactivation pinag a apply uli ng prangkisa

Mga TNVs drivers na naapektuhan ng deactivation pinag a apply uli ng prangkisa

by Powered by DWIZ
0 comment 67 views

Pinayuhan ng DOTr o Department of Transportation ang mga driver ng TNVs o Transport Network Vehicle Service na naapektuhan ng deactivation na muling mag apply ng prangkisa.

Sinabi ng DOTr na mahalaga ang kaligtasan at seguridad ng publiko kaya’t mahalaga ring mayroong tamang registration ang TNVs.

Ipinaliwanag ng DOTr na ang mga operator at driver ng TNVs ay nabigyan ng sapat na panahon para makatugon sa requirements para makapag apply ng CPC o Certificate of Public Convenience o P.A o Provisional Authority.

Lumalabas sa record ng LTFRB na mayroong halos 41,000 TNVs units na napagkalooban ng CPC at halos 30,000 units naman ang nakakuha na ng P.A at ito ayon sa DOTr ay patunay na sapat ang ibinigay na panahon ng board para sa pag a apply.

Magugunitang nagrereklamo ang mga TNVs operators at drivers dahil 8,000 drivers umano ang apektado ng deactivation ng prangkisa.

0 comment

Related Posts