Mga sundalong ‘di tapat kay Duterte dapat mag-bitiw – Ph Army spox

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga sundalong ‘di tapat kay Duterte dapat mag-bitiw – Ph Army spox

Naniniwala si Philippine Army Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala na dapat mag-resign ang mga sundalong hindi tapat kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay zagala, kahit may kanya-kanyang pananaw ang mga kawal, dapat pa ring igalang ng mga ito ang presidente at sumunod sa kanyang utos bilang kanilang commander-in-chief.

Ginawa ni Zagala ang pahayag kasunod ng mga usap-usapan tungkol sa posibilidad na magkaroon ng kudeta sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Magugunitang tiniyak na rin ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo na mananatiling tapat ang mga sundalo sa watawat ng Pilipinas at sa saligang batas.

Related Posts