32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga sumukong heinous crime convicts na nakalaya sa GCTA pumalo na sa 130 — PNP

- Advertisement -

Pumalo na sa 130 ang bilang ng mga bilanggo na napalaya sa bisa ng Good Conduct Time allowance (GCTA) law ang sumuko sa mga otoridad.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) sa naturang bilang, pinakamarami dito ang convicted sa kasong rape kung saan sumampa sa 49 ang bilang ng mga sumuko habang sinundan naman ito ng murder convicts kung saan apatnapu’t isa na ang sumuko sa mga otoridad.

Batay rin sa datos ng PNP, pinakamarami ang sumuko sa Cagayan Valley kung saan sumampa na sa 33 bilanggo ang sumuko sa mga otoridad.

Matatandaang Setyembre 4 nang magbigay si Pangulong Rodrigo duterte ng 15 araw na ultimatum sa mahigit 1,000 na napalaya sa bisa ng GCTA law para sumuko sa mga otoridad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -