28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mga sisibaking opisyal ng BOC sasampahan pa ng kasong kriminal at administratibo

- Advertisement -

Tiniyak ng Malacañang na mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga sisibaking opisyal ng BOC o Bureau of Customs.

Ito mismo ang ibinabala ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan sinabi nito na naghahanap lamang ng tamang tiyempo ang pangulo para isapubliko ang pangalan ng mga tiwaling BOC officials.

Ayon kay Panelo, sasampahan ng kaukulang kaso ang mga korap na opisyal ng Customs.

Anya, walang sasantuhin ang pangulo dahil laganap pa rin ang korapsyon sa ahensya.

Matatandaang una nang ibinabala ni Pangulong Duterte na ilang mga opisyal ng BOC ang kanyang sisibakin dahil sa korapsyon.

“Ilalabas nalang lahat yan ni presidente. Ang pagkakaalam ko may nagsumbong kay Commissioner Guerrero at inimbestigahan niya. O eh di maraming anomalya involving certain officials.” — Pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -