Mga sasakyang nag overloading at illegal parking sinampolan ng MMDA

Mga sasakyang nag overloading at illegal parking sinampolan ng MMDA

by Powered by DWIZ
0 comment 74 views

Sinampolan ng MMDA o Metro Manila Development Authority ang ilang sasakyang nakaparada sa paligid ng mga paaralan.

Maging ang mga tricycle na nagsisilbing service ng mga estudyante ay nasampolan ng MMDA.

Ilang sasakyan ang ipinahatak ni MMDA Chairman Danilo Lim sa IBP Road sa Quezon City na malapit sa public schools sa Batasan Hills.

Kasama ang Land Transportation Office, hinuli rin ng MMDA ang ilang tricycle na nagsisilbing school service dahil sa overloading.

Ayon sa MMDA, hanggang apat na estudyante lamang ang pwedeng i service ng isang tricycle upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata.

0 comment

Related Posts