30.2 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga protesta laban sa usapin sa West PH sea lumakas na

- Advertisement -

Lumalakas na ang mga protesta laban sa posisyon ng gobyernong Duterte sa usapin ng West Philippine Sea.

Ayon ito kay Acting Chief Justice Antonio Carpio sa gitna na rin nang pagkalat ng mga tarpaulin kung saan nakasulat ang mga katagang: Welcome to the Philippines, Province of China.

Sinabi pa ni Carpio na batay sa mga karanasan sa mga nakalipas na administrasyon nawawalan na ng suporta at respeto sa gobyerno ang mga taong ginagawa nang katatawanan ang administrasyon.

Kasabay nito muling iginiit ni Carpio ang panawagan sa Pilipinas na makipag tulungan sa iba pang claimants sa South China Sea para markahan ang economic zones at maiwasan ang gulo.

Lahat aniya ng bansa lalo na ang China ay interesado ring mapangalagaan ang Rule of Law sa mga kontrobersyal na teritoryo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -