Mga probisyon sa 2019 budget na ipinawalang-bisa tinukoy

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga probisyon sa 2019 budget na ipinawalang-bisa tinukoy

Presidential Photo


Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang tangka na salungatin ang konstitusyon o aksyon na makakasira sa taumbayan.

Ito ang bahagi ng ipinalabas na veto message ni Pangulong Duterte sa General Appropriations Act of 2019 o ang national budget.

Aniya, aminado ang pamahalaan na hindi naging matiwasay ang pagpapasa sa 2019 national budget na taliwas sa inaasahan ng lahat.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na maaaring positibong tingnan ang nasabing pagkakaantala sa matibay na commitment ng mga mambabatas na gawin ang mga hakbang para sa kabutihan ng lahat.

Sa nasabing veto message, tinukoy rin ang labindalawang (12) probisyon sa national budget na tinanggal o ipinawalang-bisa ni Pangulong Duterte.

Kabilang dito ang paggamit sa kita ng DOLE-National Labor Relations Commission, pagpapatupad ng DPWH, DTI at iba pang ahensiya sa mga proyektong popondohan ng excise tax mula sa mga sigarilyo.

Ni-line veto rin ng Pangulo ang Section 96 ng national budget para sa cost of devolved health services ng local government units, paggamit ng calamity fund para sa mga sakuna o kalamidad na naganap dalawang taon na makalipas ang fiscal year.

Gayundin ang probisyon na nagbibigay ng special road support fund, special local road fund at special vehicle pollution control fund sa ilalim ng DPWH kasunod ng pagkakabuwag sa Road Board.

—-

 

 

 

 

Related Posts