36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mga Pilipinong masaya sa buhay bumaba — SWS

- Advertisement -

Halos siyam sa sampung Pilipino ang nagsabing masaya sila sa kanilang mga buhay.

Ito’y base sa lumabas na resulta sa survey ng SWS o Social Weather Station na isinagawa noong ika-labing anim hanggang ika-labingsiyam ng Disyembre nang nakaraang taon.

Katumbas ito ng 87 percent ng total respondents na nagsabing ‘very’ o ‘fairly happy’ sila sa buhay kung saan 39 percent ang kabilang sa ‘very happy’ at 48 percent naman ang sumagot ng ‘fairly happy’.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 94 percent noong December 2017 at sumunod na pinakamababa mula noong December 2014 kung saan 85 percent naman ang lumabas sa survey.

Samantala, 13 percent naman ang nagsabing hindi sila masaya sa buhay ito ang pinakamataas na sumunod na naitala mula noong Disyembre ng taong 2014.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -