34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Mga pasahero, dagsa pa rin sa mga pantalan matapos ang Semana Santa

- Advertisement -

Patuloy ang pagdagsa sa mga pantalan ng mga pasaherong buma-biyahe matapos ang Semana Santa.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), pumapalo sa mahigit 91,000 ang mga bumiyahe sa mga pantalan sa bansa mula alas-6 ng gabi kahapon hanggang alas-6 ng umaga kanina.

Ang mga pantalan sa Central Visayas ang nakapagtala ng pinakaraming outbound passengers na nasa halos 24,000.

Nakapagtala naman ng pinakamaraming pasahero sa pantalan ng Cebu at Bohol.

Samantala, naitala rin ang mahigit 1,000 pasahero sa pantalan sa Metro Manila, mahigit 21,000 sa Southern Tagalog, halos 3,000 sa South Western Mindanao at mahigit 13,000 sa Western Visayas.

Bukod pa ito sa South Eastern Mindanao kung saan naitala ag mahigit 3,000 pasahero, halos 5,000 sa Bicol, halos 12,000 sa Northern Mindanao, 8,000 sa Eastern Visayas at halos 7,000 sa Southern Visayas.

Tuluy-tuloy ang monitoring ng PCG sa ilalim ng kanilang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2019’.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -