28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga paliparan at pantalan pinababantayan ng DOJ dahil sa ulat sa investment scam

- Advertisement -

Pinababantayan ng DOJ o Department of Justice ang mga paliparan at pantalan sa bansa laban sa mga sangkot sa investment scam.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inalerto na niya ang Bureau of Immigration dahil sa posibilidad na tumakas palabas ng bansa ang mga opisyal ng Kapa-Community Ministry International, Inc.

Una nang sinalakay ng National Bureau of Investigation ang mga tanggapan ng Kapa sa buong bansa kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang operasyon ng Kapa.

Matatandaan na kinumpirma na rin ng Securities and Exchange Commission na sangkot sa pagkuha ng investments ang Kapa kahit na walang kaukulang lisensya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -