31.6 C
Manila
Saturday, May 21, 2022

Mga pagpatay sa mga lokal na opisyal , pinaiimbestigahan sa Senado

- Advertisement -
Ad Banner 600×60

Pinaiimbestigahan ni Senador Francis Pangilinan sa Senado ang mga pagpatay sa lokal na opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Pangilinan , naghain na siya ng resolusyon sa Senado para siyasatin ang kaso ng mga pagpaslang kina Tanauan City Mayor Antonio Halili ; Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote ; at  Trece Martires Vice Mayor Alexander Lubigan.

Sinabi ni Pangilinan , na nakababahala na ang mga sunud sunod na pagpatay  at nagdudulot ito ng pangamba sa iba pang mga opisyal.

Kamakailan ay personal na bumisita si Pangilinan sa burol ni Mayor Bote bilang kamag – anak ng alkalde.

Samantala , hanggang sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP at iba pang ahensya hinggil sa pagkamatay ng tatlong opisyal.

Ad Banner 600×60
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
Ad Banner 320×320

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

Ad Banner 320×60
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -