29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Mga opisyal ng Philhealth pinagbibitiw ng Pangulong Duterte

- Advertisement -

Pinagbibitiw na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto ang mga opisyal ng Philhealth kaugnay na rin ng nabistong “Ghost Dialysis” Scam.

Ito ay matapos atasan ng Pangulong Duterte Si Philhealth Acting Chief Roy Ferrer, at mga board members nito na magsumite ng  courtesy resignation.

Una rito, isiniwalat ni Health Sec. Francisco Duque the third na ipinatatawag ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng Philhealth, kahapon.

Magugunitang, isiniwalat ng isang dating empleyado ng Medwell Dialysis Center ang umano’y paniningil ng bayad sa Philhealth, gayung patay na ang ilan sa kanilang mga kliyente.

Una rito, sinabi rin naman ng pangulo na hindi niya palalampasin ang nasabing mga anumalya, dahil malaking pera ang nawala sa Philhealth dahil sa mga Bogus Claims.

Samantala, pinakakasuhan rin ng pangulo ang lahat ng sangkot sa nasabing iskandalo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -