Mga opisyal at supporters ni Robredo, magtitipon- tipon sa CamSur para hintayin ang resulta ng Electoral Protest

Mga opisyal at supporters ni Robredo, magtitipon- tipon sa CamSur para hintayin ang resulta ng Electoral Protest

by RPN News
0 comment 59 views

NAGA CITY- Magsasama-sama ang ilang mga opsiyal ng probinsya ng Camarines Sur at lungsod ng Naga ngayong araw.

Ito’y kaugnay ng pagsalubong ng mga ito sa pagpapalabas ng resulta ng Presidential Electoral Tribunal sa electoral protest na inihain ni dating Sen. Bong Bong Marcos kontra kay Vice President Leni Robredo, kaugnay ng naging resulta ng 2016 Vice Presidential race.

Sa pagharap sa mga kagawad ng media ni Cong. Gabriel Bordado, kinumpirma nito na kasama makakasama aniya ang Aklalde ng lungsod ng Naga na si Mayor Nelson Legacion at iba pang lokal na opisyal ng ciudad sa paghihintay uniya bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa Bise Presidente.

Malaki rin aniya ang paniniwala ni Bordado na susundin ng PET ang Presidential Electoral Tribunal Rule no. 65 na nagsasabing dapat aniya idismiss ang kaso kung mapatunayang walang pandaraya at walang nabago sa resulta ng bilangan sa mga lugar na hiniling ng complainant sa ginawang recount.

Una dito, may mga impormasyon umano na lumabas na paborable sa recount kay Vice President Leni Robredo at walang napatunayang pandaraya sa nakaraang eleksyon.

Isinagawa ang recount ng mga balota sa Camarines Sur, Negros Occidental at Ilo Ilo.

-M. Barayoga

0 comment

Related Posts