Mga OFW hinikayat na bumoto para sa 2019 midterm elections

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga OFW hinikayat na bumoto para sa 2019 midterm elections

Hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat na makilahok sa overseas absentee voting para sa 2019 midterm elections.

Ayon sa DFA, magaganap ang overseas absentee voting sa Abril 13 na tatagal hanggang Mayo 13.

Pinayuhan ng DFA ang mga OFW na nasa iba’t ibang panig ng mundo na bumisita sa pinakamalapit na embahada, konsulada o MECO upang makakuha ng iba pang impormasyon o kung sila ay may katanungan.

Maaari ding bisitahin ang website ng Comelec at DFA o ang Facebook page na overseasvoting.ph

—-

 

 

 

 

Related Posts