Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Mga nasa likod ng narco list viral video iniimbestigahan na ng DOJ

Iniimbestigahan na ng DOJ o Department of Justice ang serye ng mga naglilipanang video kung saan inuugnay ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang mga ka-alyado nito sa illegal drug trade.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, nakikipag-ugnayan na ang DOJ sa cybercrime unit ng National Bureau of Investigation upang matukoy ang nasa likod ng nagpakilalang “Bikoy” sa mga naglalabasang video.

Una rito, ibinabala na naman ni PNP Chief Oscar Albayalde na posibleng makasuhan ang mga nasa likod ng video kung hindi nito mapatutunayan ang mga alegasyon nito.

Matatandaang sa inilabas na video ni “Bikoy” tinukoy nito sina dating special assistant to the president Christopher “Bong” Go, dating Davao City vice mayor at Presidential Son Paolo Duterte na sangkot sa transaksiyon ng iligal na droga.

Related posts

Class suspension sa pagdaraos ng SEA Games iminungkahi

Powered by DWIZ

Angat Dam bahagyang nadagdagan ang tubig

Powered by DWIZ

PAGCOR pansamantalang ipinatigil ang medical financial grant applications

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More