Mga nasa Agri Sector mas mababa ang Food Security – FNRI

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga nasa Agri Sector mas mababa ang Food Security – FNRI

Mas kinukulang umano sa suplay ng pagkain ang mga nasa sektor ng agrikultura kaysa sa pangkaraniwang pamilyang pilipino

Iyan ang lumabas sa pinakabagong survey ng FNRI o Food and Nutrition Reasearch Institute na isinagawa mula taong 2016 hanggang 2018

Batay sa survey, aabot sa 29.7 percent ng agricultural household ay may sapat na pagkain sa hapag habang ang nasa 50.6 percent naman ng mga pamilyang may sapat na pagkain na wala namang kinalaman sa sektor ng agrikultura

Ayon kay Christina Malabad, Senior Science Research Specialist ng FNRI, hindi kumkonsumo ng sarili nilang ani ang mga nasa agricultural households sa halip ay binebenta nila ito upang kumita at ibili ng kanilang pangangailangan

Kaya naman malaki aniya ang epekto ng estadong pang-ekonomiya ng isang pamilya sa estado naman ng kanilang pangaraw-araw na pagkain

Related Posts