29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Mga nakasuhang pulis dahil sa rape mula 2015 umabot na sa 43

- Advertisement -

Umabot na sa 43 pulis ang nasampahan ng kasong administratibo ng Philippine National Police-Internal Affairs Service o PNP-IAS dahil sa alegasyon ng panggagahasa mula noong 2015.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, kabuuang 31 rape cases naman ang naihain nila sa ilang police officers mula 2012 hanggang 2018.

Noong 2017, umakyat sa 15 ang bilang ng mga kasong rape habang siyam naman ang naihain ngayong taon.

Magugunitang isang babaeng pulis ang nagreklamo makaraang gahasain umano ng kapwa niya pulis sa loob ng isang training center sa Palawan noong November 12, 2018.

Inireklamo naman ng isang female detainee na may kasong illegal gambling ang dalawang miyembro ng Quezon City Police District Station 4 nang pagsamantalahan umano siya ng mga ito sa loob ng isang police mobile.

Maliban dito, noong nakarang buwan, sinasabing ni-rape din ng mga pulis ang isang 15-anyos na dalagita kapalit ng kalayaan ng kanyang mga magulang inaresto dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -