30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mga Nakalibing Sa Public Cemetery Ng Buhi, Cam Sur Nabulabog Sa Road Clearing Operations

- Advertisement -

Iriga City, humigit kumulang 50 mga puntod at nitso  na nakahimlay sa public cemetery sa bayan ng Buhi, Camarines Sur ang apektado ng road clearing operation sa bayan na binanggit kasunod ng memorandum circular 2019-121 ng Department of Interior and Local Government ayon na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ng lahat ng obstruction sa kalsada.

Ito ang sinabi ni Sanitary Inspector Vilma Merilles matapos na maka-usap ng Radyo Ronda tungkol na road clearing na kanilang ginagawa habang papalapit ang ibinigay na deadline ng Pangulo.

Ayon sa opisyal nailipat na nila ang 20ng mga libing sa tamang lugar kasabay na rin ang kaukulang pre-cautionary at health measures sa nakapaligid na risedentes ng public cemetery sa upang di kumalat ang ano man sakit mula sa mga bangkay na nakalibing.

Una rito, sinabi ni Mayor Margie Moran-Aguinillo na puspusan ang kanilang road clearing sa lahat ng lansangan at positibong matatapos bago ang katapusan ng kasalukuyang buwan.

Natapos na ng task force na binuo ng alcalde ang relocation sa mga vendors sa public market at kanya na ring inatasan ang mga barangay officials na gawin na rin ang kanilang counter part mula sa 33 na barangay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -