Mga naghahanap ng trabaho dumagsa sa Independence Job Fair

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga naghahanap ng trabaho dumagsa sa Independence Job Fair

Dumagsa ang mga naghahanap ng trabaho sa Independence Job Fair sa San Andres Sports Complex sa lungsod ng Maynila ngayong araw na ito.

Ayon sa DOLE o Department of Labor and Employment, alok sa nasabing job fair ang mahigit 6,000 local jobs sa mga hotel at restaurant, construction, wholesale at retail trade, health, beauty at wellness, transportation at logistics, business process outsourcing, manufacturing, power at telecommnication industries.

Samantala, available rin ang 6,000 trabaho abroad partikular mula sa mga bansang Brunei, China, Japan, Saudi Arabia, Poland, Qatar, Taiwan at United Arab Emirates.

Bukod dito ang mahigit 7,000 trabaho sa ibat ibang ahensya ng gobyerno.

(with report from Aya Yupangco)

Related Posts