Mga mangingisdang inabandona ng Chinese vessel sa Recto Bank tutulungan ng PCCI

Mga mangingisdang inabandona ng Chinese vessel sa Recto Bank tutulungan ng PCCI

by Powered by DWIZ
0 comment 78 views

Tutulungan ng PCCI o Philippine Chamber of Commerce and Industry ang 22 mangingisdang inabandona ng Chinese vessel matapos banggain ang kanilang bangka sa Recto Bank.

Ayon sa PCCI, magkakaloob sila ng isang milyong pisong halaga ng tulong para sa mga mangingisdang Pinoy kung saan kahalating milyon dito ay gugugulin sa pagsasa-ayos ng kanilang bangkang F/B Gemvir 1 habang tulong pangkabuhayan naman ang kalahating milyon pa.

Ang tulong ng PCCI ay tugon sa kahilingan ng Mindoro Chamber of Commerce at makausap na rin ang may ari ng bangkang pangisda.

0 comment

Related Posts