Mga lamang dagat mula sa ilang lugar sa Davao region hindi muna ligtas kainin

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga lamang dagat mula sa ilang lugar sa Davao region hindi muna ligtas kainin

Pinaalalahanan ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang publiko na huwag munang kumain ng mga isda at iba pang lamang dagat na mula sa ilang lugar sa Davao Region.

Ito ay matapos mag positibo sa red tide toxin ang coastal waters sa baybayin ng Sta. Maria sa Davao Occidental at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental.

Dahil sa natuklasang paralytics shellfish poison, sinabi ng ahensiya na hindi ligtas kainin ang mga lamang dagat sa nasabing lugar.

Ayon naman sa BFAR Region 11, inaasahan namang makaapekto ang red tide sa kabuhayan ng mahigit 100 mangingisda.

Paliwanag pa ng BFAR, maaring maiugnay ang red tide sa ilang pagbabago sa karagatan gaya na lamang ng mataas na temperatura, mahabang panahon ng tagtuyot at biglaang pag-ulan.

Related Posts