Mga kukuha ng Bar pinayuhan ni Bb.Pilipinas International Atty. Bea Magtanong

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga kukuha ng Bar pinayuhan ni Bb.Pilipinas International Atty. Bea Magtanong

May payo si Bb. Pilipinas International 2019 at ngayo’y Atty. Bea Patricia Magtanong sa mga kukuha ng Bar Examination sa hinaharap

Ito’y matapos masungkit ni Magtanong ang titulo bilang abogado sa nakalipas na 2018 Bar Examinations

Sa kaniyang instagram story, hindi naitago ni Atty. Bea ang kaniyang nararamdaman bago sumabak sa pagsusulit

Aminado siyang hindi nakatulong na 2 oras lamang ang kaniyang tulog kaya’t payo niya sa mga nais kumuha ng Bar, matulog ng sapat upang maging gising ang isipan at manamnam ang mga nirereview

Isa si Magtanong sa 1800 Bar Exam Passers na nanumpa nuong Hunyo 13 sa PICC

 

Related Posts