31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Mga komunistang grupo napasok na din ang simbahan

- Advertisement -

Napasok na rin ng mga komunistang grupo hindi lamang sa mga eskwelahan kundi maging ang simbahan.

Ito ay ayon kay PNP Police Community Relations Group (PCRG) Director Major General Benigno Durana kung saan hindi lamang aniya mga estudyante ang hinihikayat sumama kundi pati mga guro at taong simbahan.

Ginagawa aniya ito ng mga front organizations ng Communist Party of the Philippines (CPP) tulad ng League of Filipino Students, College Editors Guild of the Philippines at Anakbayan.

Inihalimbawa rin ni Durana ang grupong Rural Missionary of the Philippines na ginagamit umano ng CPP para lasunin ang isipan ng mga Lumad sa pamamagitan ng mga itinayong eskwelahan.

Hinihimok din aniya ng mga nasabing grupo ang mga guro na i-recruit ang mga estudyante para maging miyembro ng New People’s Army (NPA).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -