Target na P60-B sales ng PCSO sa 2018 nahigitan
January 12, 2019
Sri Lankan Pres. Maithripala Sirisena dadalaw sa bansa
January 12, 2019
Show all

Mga kasaling barangay para sa plebisito ng BOL nasa 28 na

Walo pang mga barangay sa North Cotabato ang lalahok sa plebisito para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Dahil dito, ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nasa 28 barangays na ang kasali sa naturang electoral process.

Sinabi ni Jimenez na inaprubahan ng Comelec en banc ang petisyon ng mga barangay para sa boluntaryong paglahok sa referendum para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

Kabilang sa mga barangay na pasok sa referendum ay ang Pamalian, at Fort Pikit sa Pikit; Pedtad, Buluan, Simone at Tamped sa Kabacan; Tumbras sa Midsayap at Galidan sa Tulunan.

Comments are closed.