Piso patuloy ang paglakas kontra dolyar
November 9, 2018
Pagtaas ng SSS contribution isasabatas na ng Kongreso
November 9, 2018
Show all

Mga guwardiyang nahuling nakasuot ng costume pinagmumulta

Sinita ng Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o PNP-SOSIA ang isang mall sa Quezon City matapos pagsuotin ng costume ang kanilang mga guwardiya.

Ayon kay PNP-SOSIA OIC Superintendent Jaime Santos, dapat ay mga prescribed uniform lamang ang isinusuot ng mga guwardiya para madali itong makilala ng mga tao sakaling magkaroon ng emergency.

Iginiit din ni Santos na trabaho ng mga guwardiya ang matiyak ang seguridad ng mga tao sa isang establisyimento at hindi mang-aliw.

Kasunod nito, pinagmumulta ng PNP-SOSIA ng 400,000 pesos ang security agency ng mga nasabing guwardiya dahil sa mga paglabag.

Samantala, pinagmumulta rin ng PNP-SOSIA ng tig-P10,000 ang labing limang (15) security guard ng Landmark Department Store dahil rin sa pagsusuot ng costume ng Buckingham Palace guards.

Ang mga nasabing guwardiya ay nahuli noong Nobyembre 5 sa pag-iikot ng mga miyembro ng PNP-SOSIA bilang bahagi ng kanilang bagong Oplan Agap Guwardya.

—-

 

 

 

Comments are closed.