Mga fire trucks sa QC pinaikot na nila para madeliver ng tubig

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga fire trucks sa QC pinaikot na nila para madeliver ng tubig

Sinimulan nang paikutin ng Quezon City Government ang kanilang mga fire trucks para mag-deliver ng tubig sa mga residente ng lungsod na matinding apektado ng kakulangan ng suplay ng tubig.

Ayon kay Aries Gutierrez, pinuno ng Quezon City Public Affairs and Information Services Department, bumuo na rin sila ng isang joint monitoring center na siyang mangangasiwa sa operasyon ng mga nasabing fire trucks.

Sinabi ni Gutierrez, nais nilang matiyak na maaabot ng tulong ang lahat ng mga apektadong residente.

Batay sa datos ng Manila Water, aabot sa dalawang daan at walumput limang libong (285,000) mga kabahayan sa walumput dalawang (82) barangay sa Quezon ang apektado ng water shortage.

Related Posts