Kampaniya kontra kolorum na sasakyan lalong paiigtingin ng DOTr
January 12, 2019
Mga datos ng DFA tinangay ng dating kontraktor nito
January 12, 2019
Show all

Mga branded na tinapay at semento isinusulong na lagyan ng SRP

Isinusulong ng grupong Laban Konsyumer Inc. ang pagtatakda ng SRP o Suggested Retail Price para sa mga branded na tinapay at semento.

Ito’y ayon kay Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba ay matapos mabatid ang pagsasamantala umano ng ilang branded na tinapay at semento sa presyo ng kanilang produkto.

Tulad aniya ng kumpaniyang Gardenia na nakapako pa rin ang presyo sa 64 piso ang kada 600 grams loaf nito habang nasa 46 piso naman ang kada 400 grams loaf ng nasabing produkto.

Habang sa panig naman ng semento, binigyang diin ni Dimagiba na tatlong beses nagtaas ng presyo ang iba’t ibang brand nito sa nakalipas na tatlong buwan sa kada 40 kilo depende sa lugar.

Magugunitang kabilang sa itinakdang SRP ng DTI ang mga branded na tinapay hanggang sa ilunsad ng nakalipas na administrasyon ang pinoy tasty at pinoy pandesal na siyang magiging pamantayan sa presyuhan ng tinapay sa bansa.

Habang tinanggalan din ng SRP ang semento dahil sa labis na pagmahal ng mga raw materials nito sa mga nakalipas na panahon.

Comments are closed.