Mga bibisita sa Panatag Shoal hindi na kailangan ng permit ayon sa PCG

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga bibisita sa Panatag Shoal hindi na kailangan ng permit ayon sa PCG

Hindi na kailangan ng permit o clearance ang mga may planong bumisita sa Scarborough o Panatag Shoal.

Ito ang nilinaw ng Philippine Coast Guard matapos ang pahayag ng senatorial candidate na si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na nag-apply siya ng clearance sa PCG upang bumisita sa Panatag o Bajo De Masinloc.

Ayon kay PCG Spokesman, Capt. Armando Balilo, maaari namang magpunta ang lahat  sa  Scarborough Shoal pero kailangan ng departure clearance ng bangka o barkong gagamitin.

Kailangan din anyang mag-abiso o ipagbigay-alam sa PCG ang planong pagbiyahe sa Panatag Shoal at pinagbabawalan lamang pumunta sa naturang lugar kapag masama ang panahon o malalaki ang alon.

Related Posts