Mga baboy mula sa Luzon ipinagbabawal na sa Cebu

Mga baboy mula sa Luzon ipinagbabawal na sa Cebu

by Powered by DWIZ
0 comment 16 views

Mahigpit na ipinagbabawal ng probinsiya ng Cebu ang pagpasok ng baboy mula sa Luzon sa susunod na 100 araw.

Kasunod ito ng kumpirmasyon na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang ilang namatay na baboy sa Rizal.

Ayon kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, sakop din ng ban ang processed pork products mula sa Rizal at Bulacan.

Aniya, napagdesisyon ito upang mapigilan ang pagkalat ng ASF sa kanilang probinsya.

Pumapalo sa 10.9 na bilyon ang kabuuang halaga ng indutriya ng babuyan sa Cebu na kilala sa kanilang lechon.

0 comment

Related Posts