Mga anak ni Pangulong Duterte iprinoklama nang panalo sa Davao City

Mga anak ni Pangulong Duterte iprinoklama nang panalo sa Davao City

by Powered by DWIZ
0 comment 37 views

Iprinoklama na ng COMELEC o Commission on Elections na nagsisilbing city of board of canvassers ang mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na nanalo sa iba’t ibang posisyon sa Davao City.

Nanguna sa naging tagumpay ang bagong kinatawan ng unang distrito ng Davao City na si dating Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte.

Nagpasalamat si Pulong sa kanyang pamilya at mga tagasuporta at nangakong hindi lamang magiging boses ng Davao City sa Kongreso bagkus ay isusulong ang mga adhikain ng kanyang ama para sa ikauunlad ng bansa.

Samantala, hindi man dumalo sa proklamasyon ay muli namang naluklok bilang alkalde ng syudad si Sara Duterte – Carpio habang bagong bise alkalde naman ng lungsod ang bunso sa magkakapatid na si Sebastian “Baste” Duterte.

0 comment

Related Posts