Mga ahensya ng gobyerno na hindi kikilala sa Philippine ID pagmumultahin ayon sa PSA

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga ahensya ng gobyerno na hindi kikilala sa Philippine ID pagmumultahin ayon sa PSA

Papatawan ng multa at ipakukulong ang anumang ahensya ng gobyerno na hindi kikilalanin ang Philippine ID.

Ayon sa PSA o Philippine Statistics Authority sa ilalim ng Philippine ID System Act, pagmumultahin ng 500,000 piso ang sinumang hindi kikilala sa Philippine ID.

Habang ang mga gagamit naman ng Philippine ID sa anumang uri ng anumalya ay may parusa na anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakabilanggo at may multang 50,000 hanggang kalahating milyong piso.

Ayon kay PSA Administrator Lisa Grace Bersales, ang mga magpapalabas naman ng data o impormasyon nang walang otorisasyon ng may-ari ng ID ay makukulong ng anim hanggang sampung taon at multa na tatlo hanggang limang milyong piso.

Related Posts