Mga aftershocks sa Southern California pumalo na sa halos 4 na libo

Mga aftershocks sa Southern California pumalo na sa halos 4 na libo

by Powered by DWIZ
0 comment 85 views

Nakapagtala na ng umaabot sa halos 4 na libong Aftershocks ang US Geological Survey sa Southern California.

Kasunod naman ito ng pagtama ng magkasunod na magnitude 6 point 4 at 7 point 1 na lindol sa nabanggit na lugar.

Ayon sa USGS, pinakamalakas na naitalang Aftershock ay umabot sa Magntude 5 point 5.

Pinagiingat naman ng USGS ang mga residente sa Southern California dahil malaki anila ang posibilidad na magpapatuloy pa ang mga Aftershock at pagyanig hanggang sa susunod na buwan.

 

 

 

 

0 comment

Related Posts