Memorial service para kay Rep. Batocabe isinagawa ng Kongreso

by Powered by DWIZ
0 comment
Memorial service para kay Rep. Batocabe isinagawa ng Kongreso

Nagsagawa ng isang memorial service kaninang umaga ang Kongreso para sa pinaslang na si Congressman Rodel Batocabe.

Idinaos ang isang misa na inialay sa namayapang congressman.

Nagkaroon din ng programa pagkatapos ng misa kung saan ay naghandog ng panalangin at mga awitin ang ilan sa mga dumalo.

Kabilang sa mga panauhin ay sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nanguna sa eulogy o pagbibigay parangal kasama sina Attorney John Reyes, Justice Vicente Mendoza, Justice Presbitero Velasco, Representative Michael Rivera, Minority Leader Danilo Suarez at Representative Sharon Garin.

Nagbigay din ng mensahe ang anak ng namayapang congressman na si Atty. Justin Batocabe.

Nagtapos naman sa pagtugtog ng isang awitin ng PNP band ang naturang programa.


Related Posts