Mega Star nagpaliwanag kung bakit hindi na magiging coach sa The Voice Kids season 4

by Powered by DWIZ
0 comment
Mega Star nagpaliwanag kung bakit hindi na magiging coach sa The Voice Kids season 4

Binunyag na ni Mega Star Sharon Cuneta ang dahilan kung bakit hindi na siya babalik sa season 4 ng The Voice Kids.

Sa kanyang Instagram account ng Mega Star, sinagot niya ang isang netizen kung bakit hindi na siya kasama sa mga babalik na coach ng reality singing competition.

Aniya, hindi raw niya kayang tiisin ang stress na dala ng kompetisyon, lalo na kapag elimination.

Masyado raw siyang na-attach sa mga bata at hirap na hirap umano ito sa pamimili ng kanyang mga pambato.

Samantala, babalik naman sa singing competition ang mga original coaches na sina Sarah Geronimo, Bamboo at Lea Salonga.

Sa panulat ni Gene Cruz

Related Posts