30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mayorya pabor sa mandatory drug test sa Grade 4 students pataas—SWS

- Advertisement -

Mayorya ng mga Filipino o limampu’t isang (51) porsyento ang pabor sa panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isailalim sa mandatory drug testig ang estudyante mula Grade 4 pataas.

Batay ito sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa ikatlong quarter ng 2018.

Ayon din sa survey, tatlumpu’t anim (36) na porsyento ng mga Filipino ang tutol sa mungkahing pagsasailalim sa mandatory ng mga Grade 4 students pataas habang labing tatlong (13) porsyento ang undecided.

Lumabas din sa survey na mula sa Visayas ang may mataas na bilang ng mga sobrang pabor sa nasabing panukala habang sa Balance Luzon ang pinakamababa.

Gayundin, nakitang mataas ang bilang ng pabor sa panukalang mandatory drug testing sa mga estudyante mula sa Grade 4 sa mga nagsabing kuntento sila sa performance o trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -