DepEd palalakasin ang pagtuturo ng Filipino at panitikan sa K to 12
November 13, 2018
96 opisyal ng gobyerno kumpirmadong sangkot sa iligal na droga
November 13, 2018
Show all

Maynilad magpapatupad ng taas singil sa tubig ngayong buwan

Tuloy na ang pagpapatupad ng dagdag singil sa tubig ng Maynilad ngayong buwan.

Ito ang inihayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), matapos nilang magkasundo na suspenidihin muna ang pagdinig sa inihahing kaso ng maynilad kaugnay sa hirit nitong ipasa sa mga consumers ang kanilang corporate income tax.

Ayon sa MWSS, naghain na sila ng Maynilad ng joint application para sa pagsuspendi ng nasabing kaso sa International Court of Arbitration sa Hongkong nitong Biyernes.

Magugunitang noong Setyembre, inaprubahan ng MWSS ang hirit na P5.73 kada cubic meter na taas singil sa tubig ng Maynilad na kanilang hahatiin sa loob ng apat taon.

Gayunman naantala ito matapos maghain ng dispute of notice ng Maynilad dahil nais nilang isama sa singil ang kanilang corporate income tax na hindi pinayagan ng MWSS.

Comments are closed.