Maynilad magbabahagi ng tubig sa mga customers ng Manila Water

by Powered by DWIZ
0 comment
Maynilad magbabahagi ng tubig sa mga customers ng Manila Water

Isang valve ang binuksan ng Maynilad Water Services upang madaanan ng tubig na ibabahagi nila sa mga customers ng Manila Water Company.

Ang binuksang valve ay nasa kanto ng West Avenue Corner Bulacan Street sa Quezon City.

Ayon kay Maynilad Water President Ramon Fernandez, sa pamamagitan ng binuksan nilang valve, sampung milyong litro ng tubig kada araw ang agad na dadaloy sa east zone na nakakaranas ngayon ng krisis sa tubig.

Ang pagbubukas ng valve ay sinaksihan pa mismo ni House Speaker Gloria Arroyo.

Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang House Oversight Committee sa Lunes hinggil sa kakapusan ng tubig.

Related Posts