Maymay Entrata nag audition sa New York Fashion Week

Maymay Entrata nag audition sa New York Fashion Week

by Powered by DWIZ
0 comment 25 views

Nagsumite ng kanyang audition piece si Maymay Entrata para mapabilang sa mga modelong rarampa sa prestihiyosong New York fashion week.

Ayon kay Maymay, bagamat kinakabahan ay umaasang mabibigyan siya ng pagkakataon na rumampa sa pinaka-a-abangang fashion show sa international scene.

Kabado si Maymay dahil mismong ang designer na Furne One at mga kilalang designer na kabilang sa New York ang siyang mamimili ng mga rarampang modelo.

Matatandaang dati nang rumampa si Maymay sa Arab fashion week para sa designer na si Furne One noong nakaraang taon.

0 comment

Related Posts