Karagdagang pension sa mga Filipino war veterans tiniyak
January 11, 2019
Pananatili ng mataas na trust at approval rating ng Pangulong Duterte ipinagmalaki ng Palasyo
January 12, 2019
Show all

Matinding trapiko masosolusyunan ng Telecommuting Act—Panelo

Kumpiyansa ang Malacañang na masosolusyunan ng naisabatas na work from home law ang problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa sandaling maging epektibo ang Republic Act 11165 o Telecommuting Act ay luluwag na ang daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila at iba pang urban areas, dahil hindi na kailangan pang bumiyahe ng mga manggagawang mula sa mga pribadong sektor.

Umaasa rin si Panelo na makatutulong rin ito upang mabigyan ng patas na trato ang mga empleyado dahil hindi na kailangan pa nitong umalis ng kanilang mga bahay.

Comments are closed.