34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Mascot ng PNP para sa gender equality ipinakilala

- Advertisement -

Pormal nang ipinakilala ng Philippine National Police o PNP ang mascot ng Pambansang Pulisya na nagtataguyod at kumikilala sa pantay na karapatan ng mga nasa LGBT o lesbians, gays, bisexuals at transgender.

Kanila itong tinawag na PO1 Gadee.

Tampok si PO1 Gadee sa pagsasara ng ika-23 Police Community Relations Month ngayong buwan ng Hulyo.

Samantala, nagsilbi namang panauhing pandangal sa programa si Bataan Governor Albert Garcia na isa sa mga unang local chief executive na nanguna sa kampanya kontra iligal na droga.

Ipinagmalaki ni Garcia ang mga naiambag ng Pambansang Pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad sa pamamagitan ng pinaigting na kampaniya kontra krimen at iligal na droga.

(Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -