31.2 C
Manila
Saturday, May 21, 2022

Mas matibay na anti-hazing law pirmado na ng Pangulo

- Advertisement -
Ad Banner 600×60

Pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang batas na magbabawal sa lahat ng uri ng hazing kabilang ang initiation rites sa fraternities, sororities at mga organisasyon sa mga paaralan. komunidad, maging sa mga uniformed service learning institutions.

Ito ay bilang pag-amiyenda sa Republic Act 8049 o ang Anti-Hazing Act of 1995, na nabatikos dahil sa pagiging malabnaw o mahina.

Sa naturang batas, pinalawak pa ang depinisyon ng hazing kung saan ay kabilang na ang “physical or psychological suffering, harm or injury inflicted on a recruit, neophyte, applicant or member as part of an initiation rite or a requirement for continuing membership in a fraternity or sorority or organization.”

Ang sinumang mapapatunayang nagplano at nakilahok sa hazing na nagresulta ng kamatayan, rape, sodomymutilation ay papaatawan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo at may kabayaran na P3 million.

Matatandaan na umugong ang mga panawagan na amiyendahan at mas pagtibayin ang polisiya sa anti-hazing noong nakaraang taon matapos pumanaw si Horacio ‘Atio’ Catillo, ang first year law student sa University of Santo Tomas dahil sa hazing.

Ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)
Ad Banner 600×60
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
Ad Banner 320×320

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

Ad Banner 320×60
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -