Mas marami pang opisyal ng gobyerno sisibakin ng Pangulo

by Powered by DWIZ
0 comment
Mas marami pang opisyal ng gobyerno sisibakin ng Pangulo

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na mas marami pa siyang sisibaking mga opisyal ng gobyerno bago ang kanyang biyahe patungong China.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa PDP-Laban campaign rally sa Bacolod City, sinabi nitong sisibakin niya ang mga government official na mayroong bahid sa korupsyon.

Nakatakdang magtungo ang Pangulong Duterte sa Beijing sa Abril 26 hanggang Abril 27 para sa second belt and road forum.

“Next week, when I fly back to report to work, before I leave for China, marami akong tatanggalin.”

“I vowed to lessen the corruption but I will fire more next week. I am just waiting for [the] report. I told them, ‘You give me your report and if I find it justifiable, you can stay. But if there is corruption, I’m sorry.” Pahayag ni Pangulong Duterte

—-

 

 

 

Related Posts