29.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mas mabigat na parusa sa mga kumpanyang magha-hire ng mga illegal foreign worker inihirit

- Advertisement -

Inihirit ni Labor Secretary Silvestre Bello sa Kongreso ang pagpapatupad ng mas mabigat na parusa sa mga kumpanyang kukuha ng mga illegal foreign worker.

Kabilang sa mga hiling ni Bello ay bigyang kapangyarihan ang Department of Labor and Employment na ipasara o ipatigil ang operasyon ng mga kumpanyang mapapatunayang nag-hire ng mga dayuhang walang sapat na working document.

Ayon sa kalihim, pagpapataw lamang ng multang 10,000 pesos kada illegal foreigner employee ang ginagawa ng DOLE.

Dapat anyang kumuha muna ng Alien Employment Permit o AEP mula sa kagawaran ang mga dayuhang nais magtrabaho sa Pilipinas.

Gayunman, ibibigay lamang ang AEP sa mga dayuhang may kakayahang gawin ang trabahong hindi kayang gampanan ng mga Pilipino upang hindi maagawan ng hanap-buhay ang mga pinoy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -